E D S
A 2 0 0 9
NANG PANSAMANTALANG NAGPAKITA
NG PAGKAKAISA, TAPANG AT DIWA
ANG SAMBAYANANG PILIPINO.
AT NAGTALO ANG MARAMI.
PEOPLE POWER NGA BA O VIRGIN POWER?
PERO MASA MAN O MIRAKULO
WALA RIN NAMANG NANGYARI.
AKALA NATIN SI MARCOS ANG PROBLEMA.
HINDI PALA.
LALONG NAGHIRAP ANG BAYAN.
LALONG LUMAGANAP ANG CORRUPTION.
SAMANTALA ANG SAMBAYANAN,
NAWALAN NA NANG PAGASA.
NAMANHID NA SA KABUKTUTAN
NG MGA NAMAMALIGID NA MANLULUPIG,
KAKULAY, KADUGO AT KABAYAN. . .
MGA POLITIKONG ANG TANGING TUKOY
AY KAPANGYARIHAN NG POSITION
NA MAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON
SA WALANG KATAPUSANG PAGPAPAYAMAN.
23 TAON NA. . .
SINCE EDSA 1986.
SABI NANG MARAMI: HINDI NA KAYANG MAGBAGO NG PILIPINO.
SABI NANG MARAMI:
WALA RIN NAMANG
IPAPALIT.
TANONG NANG MARAMI: BAKIT TAYO NAGKAGANITO?
NAWALAN NA NAG PAGASA.
NAWALAN NA NANG GALIT.
NAWALAN NA NANG SIGAW.
KUNG MAYROON MAN, PANSAMANTALA LAMANG.
GAYA NGAYON, PEBRERO NA NAMAN.
KINIKILITI ANG ILAN SA GUNITAIN NG EDSA 86.
MAHIWAGANG ILANG ARAW NG PEBRERO.
ALAALANG NAGLAHO NA SA KARAMIHAN.
SAMBAYANANG BINUSOG SA ARTISTA, KANTAHAN AT SAYAWAN,
INALIPIN NANG TAKOT, INALIPIN NANG MAYAYAMAN,
INALIPIN NG KADUGONG MANLULUPIG.
NASAAN ANG MGA BAYANI?