Mayroong tatlong magkakaibigan
Tutubi, kuhol, at hipon naman.
Iyong tatlong iyon, gumayak maglakbay,
Makikipagpiyesta, doon sa Talisay.
Hindo ko pag-anhin, sa kanilang paglakad
Tatlong magkakaibigan sa parang at gubat,
Inabot ng init, gumalagalawad;
Ang pobreng hipon, pumula ang balat.
Sa malaking lumbay ng tutubi't kuhol,
Pinanangisan ang namatay na hipon;
Kaginsaginsay ang kuhol ay sinipon,
Agad suminga, ang laman ay tumapon.
Sa malaking lungkot ng tutubing nagiisa,
Pinanangisan ang namatay na mga kasama;
Agad pinahid ang luha sa mata,
Sa malaking disgrasya, ang ulo'y sumama.
|